April 19,2022
Ang sumagi lang sa isip ko ngayong maghapon ay kung anong ilalagay ko dito hahahaha. Medyo excited na ako na matapos ang week na ito kase sa Thursday and Wednesday na ang aming final exam and if that happens I will be so proud of myself. Ang dami ko din kaseng iniiyak sa ibang projects, kaba tuwing may reporting kase alam ko naman talaga sa sarili ko na hindi ako magaling na ilagay sa words yung mga gusto ko iparating, pagod sa tuwing lulusong ako para lang mag signal at makaattend ng online class, puyat gabi gabi kase tuwing madalng araw lang malakas ang signal ng wifi namin e ilang beses na din ako nagkasakit dahil sa pagpupuyat pero wala akong choice, pera na hinihingi ko kayna mama at papa pang pa load at pang paprint ng projects nahihiya na ako sa kanila pero wala akong magagawa kase wala naman akong trabaho. Ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon pero malapit naman na matapos kaya tiis tiis muna ng kaunti after nito magpapahinga ako ng legit. Para sa mental health ko. Naawa na din kase talaga ako sa sarili ko e haha. Sa dami kong ginagawa sa school na medyo nakaka stress syempre di lang naman umiikot ang mundo ko sa school I have my problems too that’s not about school. Lovelife . May mga taong nagmahal saken na minahal ko din syempre pero pag nadagdag na sila sa stress ko ayun nasasaktan ko sila. Iniiwan ko sila para sa peace of mind ko. I know ang selfish pero kailangan kase pag di ko yun ginawa di ko na makakaya talaga. Tsaka alam ko naman di nila deserve ng kagaya ko, mas deserve nila yung better yung kaya silang harapin sa mga difficult times. Friends. Wala akong best friend na masasabi ngayon. Si ate kase given na kase kapatid ko sya. Pero yung best friend na not related sa blood, one call away at kachikahan , wala. Dati madami tapos hanggang sa mawala na sila ng mawala at lumayo. God. Si God yung palaging nandyan saken lagi akong answered prayer sa kanya. Sya yung best friend ko forever. Kaya naman itong talent ako na meron ako ay para sa kanya. Pag kanta sa simbahan at pagsasayaw ng tambourine sa El Shaddai ang aking nagagawa para kay God. My comfort,my home. Tuwing ginagawa ko ang pag sayaw at pag kanta para sa kanya andun yung comfort na gusto ko. Hindi ako nag sheshare ng mga problema ko kahit kay ate, sinosolo ko lang lahat pero pag kay Lord wala akong maiitago pagtugtog palang ng gitara, pagkumpas ng aking kamay sa pagsasayaw parang sinasabi ni God ” Pahinga ka muna dito sakin, sabihin mo ang nararamdaman mo makikinig ako” at pagkatapos nun masaya na ulit ako sobra. Kaya naman narealize ko na masaya din naman mag isa di ko kailangan ng madaming kaibigan at jowa para sumaya. Si Lord ang bahala sakin.
