Random Thoughts # 10

April 22, 2022

Final examination done!!!!!!! waaaa ang sayaaaa pero may research pa kami di pa tapos tsaka sa statistics and probability di pa kami nakakapag exam pero okay langgg ang mahalaga tapos na sa madaming subject.
Hindi ako makapag decide kanina kung sasama ba ako papuntang Candelaria o sa simbahan. Pero dahil naka oo na ako sa Candelaria at yun naman talaga ang pinakauna kong plano aydi dun ako. Tapos nakuha ko na din yung top na gusto koooo kaya bukas hindi ako papayag ng hindi man lang ako mapipicturan.
Ay last day na nga din pala nitong Random Thoughts .bago ko pala ito tapusin gusto ko lang sabihin sa nagbabasa nito na si Ms. Becca :
“Ms alam nyo po ba isa kayo sa mga favorite ko na teacher kase po ang feeling ko sobrang comfortable nyo po kausapin, kapag po nagbibigay kayo ng mga assessments hindi po ako nape pressure, tapos yung mga shineshare nyo po na experience samin tumatatak po sa isip ko tapos may narerealize po ako kagaya po nitong paproject nyo po hindi po sya mahirap tapos nakakatulong pa po sa mental health ko kase may napagkekwentuhan ako pag may mga gusto ako ikwento kase po kahit madami akong kaibigan natatakot akong mag kwento sa kanila natrauma na po ako dati e kase sobrang open ko dati sa mga kaibigan ko tapos nung nalaman ko na ganun pala ang iniisip nila pag nagkekwento ako bigla po akong natakot na mag kwento kaya pag po minsan nag papanic attack ako pag di ko na kaya sarilinin yung dinadala ko kaya maraming salamat po Ms! The best po kayong teacher Ms! Ang dami ko pong natutunan sa inyo. Salamat po sa lahat ng efforts nyo po para maturuan kami. God bless you po Ms!”

– Maria Nicole R. Jaurigue

(ms sorry po sobrang late na hindi po kaya ng net namin mag upload e)

Random Thoughts # 9

April 21, 2022

First day of final exam done!. Waaaa one day to go! Excited na akoo hahahahaha. Hindi ko alam kung anong ilalagay ko dito hahahaha. Basta ako’y masaya kase patapos na itong school year na ito. After nito pupunta na akong Lucena. Dun ako magbabakasyon iniisip ko kung makakatagal ba ako dun kase wala dun sina mama,papa at ate. Pero feeling ko magiging okay naman ako dun hahahahaha.

muka lang po akong nag iyak pero hindi po talaga hahahaha

Random Thoughts #8

April 20, 2022

I can say that this day is tiring but it’s fun. This day ended one of the subject that made my heart so nervous when attending in this class and I’m so happy that it’s done , this day was the last meeting in that subject. Then, tomorrow is the final exam and I’m so excited.

Ang daming nangyare ngayong araw . Nakasama ko yung mga kaklase ko kaya masaya even if we’re just 4 solid naman kami. Naglinis kami ng classroom kaya nakakapagod. Na-excite din ako nung sinabi ni madme na may strand na ABM and HUMMS na din sa school it means pwedeng madami na ang mag aaral sa school which is magiging masaya sabi nga “the more the merrier”.

Nung pauwi na ako may nakita akong kaklase ko nung highschool. Si Ian at si Rodj. Iniisip ko kung kilala pa ba ako ng mga ito except kay Rodj kase nakakasalamuha ko pa yun pero baka iba na din kase gawa nung nangyare btw kay Ian iniisip ko kung anong nasa isip nya nung nakita nya ako baka di na nya ako kilala lero nakatingin sya saken. hayst bahala na nga sila basta ako buhay isang isipin kung iisipin ko yun. Ako’y tutulog na at ako’y inaantok.

Random Thoughts #7

April 19,2022

Ang sumagi lang sa isip ko ngayong maghapon ay kung anong ilalagay ko dito hahahaha. Medyo excited na ako na matapos ang week na ito kase sa Thursday and Wednesday na ang aming final exam and if that happens I will be so proud of myself. Ang dami ko din kaseng iniiyak sa ibang projects, kaba tuwing may reporting kase alam ko naman talaga sa sarili ko na hindi ako magaling na ilagay sa words yung mga gusto ko iparating, pagod sa tuwing lulusong ako para lang mag signal at makaattend ng online class, puyat gabi gabi kase tuwing madalng araw lang malakas ang signal ng wifi namin e ilang beses na din ako nagkasakit dahil sa pagpupuyat pero wala akong choice, pera na hinihingi ko kayna mama at papa pang pa load at pang paprint ng projects nahihiya na ako sa kanila pero wala akong magagawa kase wala naman akong trabaho. Ang hirap talaga ng ganitong sitwasyon pero malapit naman na matapos kaya tiis tiis muna ng kaunti after nito magpapahinga ako ng legit. Para sa mental health ko. Naawa na din kase talaga ako sa sarili ko e haha. Sa dami kong ginagawa sa school na medyo nakaka stress syempre di lang naman umiikot ang mundo ko sa school I have my problems too that’s not about school. Lovelife . May mga taong nagmahal saken na minahal ko din syempre pero pag nadagdag na sila sa stress ko ayun nasasaktan ko sila. Iniiwan ko sila para sa peace of mind ko. I know ang selfish pero kailangan kase pag di ko yun ginawa di ko na makakaya talaga. Tsaka alam ko naman di nila deserve ng kagaya ko, mas deserve nila yung better yung kaya silang harapin sa mga difficult times. Friends. Wala akong best friend na masasabi ngayon. Si ate kase given na kase kapatid ko sya. Pero yung best friend na not related sa blood, one call away at kachikahan , wala. Dati madami tapos hanggang sa mawala na sila ng mawala at lumayo. God. Si God yung palaging nandyan saken lagi akong answered prayer sa kanya. Sya yung best friend ko forever. Kaya naman itong talent ako na meron ako ay para sa kanya. Pag kanta sa simbahan at pagsasayaw ng tambourine sa El Shaddai ang aking nagagawa para kay God. My comfort,my home. Tuwing ginagawa ko ang pag sayaw at pag kanta para sa kanya andun yung comfort na gusto ko. Hindi ako nag sheshare ng mga problema ko kahit kay ate, sinosolo ko lang lahat pero pag kay Lord wala akong maiitago pagtugtog palang ng gitara, pagkumpas ng aking kamay sa pagsasayaw parang sinasabi ni God ” Pahinga ka muna dito sakin, sabihin mo ang nararamdaman mo makikinig ako” at pagkatapos nun masaya na ulit ako sobra. Kaya naman narealize ko na masaya din naman mag isa di ko kailangan ng madaming kaibigan at jowa para sumaya. Si Lord ang bahala sakin.

Random Thoughts #6

April 18,2022

This day I finished what I have to finish and it feels so good. I was thinking about my feelings if I’am happy or not in this time then, I realized I’m not happy and I’m not sad either. I don’t know what I have to feel right now but i like it. Hindi ko na kailangang mag alala kapag masaya ako kase naiisip ko may kapalit ang pagiging masaya at ito ay lungkot kaya ngayon walang kapalit itong nararamdaman ko.

Random Thoughts #5


April 17, 2022

This day the only thing that’s on my mind is to finish chapter 3 in our research and my project in Sir Marvin because tomorrow is the submission of the projects. Then, after I finished all of that I’m going to reward my self by watching anime nonstop. Anime is my stress reliver, comforter and rest. If there’s no anime I think this time that I’m so worked out because of school works and the events in the church that so tiring physically I’am noe having a breakdown. That’s why I love anime.

Random Thoughts # 4

April 16 , 2022

“Life may not be perfect but life is beautiful.”
That’s one of the line that stock in my mind when I was listening to Father’s homily. Then, naisip ko nag outing kami ng aming pamilya at mga kapitbahay pero hindi ako masaya. Okay lang yung pakiramdam ko. Basta ang alam ko lang malungkot ako. Sanay naman na talaga kase ako na palaging third wheel at taga picture sa kanila di ko lang maalis yung feeling na mapapasanaol nalang talaga ako. Tapos nung nakinig ko yung sabi ni Father na “Life may not be perfect but life is beautiful.” napangiti nalang ako. Hindi ko alam pero parang ang dating saken “okay lang yan just enjoy every moment kung anong meron ka ngayon kase kapalit ng mga lungkot mo may magandang mga mangyayari sayo” .

Random Thoughts #3

April 15 , 2022

“Ang bakasyon ay para sa mga Katoliko na magtipon tipon upang magkaisa sa mahal na araw, mas maigi pa nga na walang bakasyon kung sa ganitong araw (Good Friday) ay madaming nasa Beach.” Father Bryan said in his homily.

Nagtataka din ako sa mga tao na kung kailan Good Friday which is kailangan talagang magdasal at magnilay ay saka pa mga nag pupunta sa beach para mag saya I mean pwede naman mag beach kaso bat ngayong araw pa?. Father Bryan has a point.

Random Thoughts #1

April 13 ,2022

Nagising ako ng madaling araw naulan kaya nanood nalang ako ng anime hanggang sa makatulog ulit. 9am na ako nagising ulit kaya nag breakfast na ako ng tinapay habang nanonood ulit ng anime. After I finished my breakfast nag-isip ako ng gagawin para naman may ambag ako sa bahay pero yung pag iisip ko nauwi lang sa panonood ulit ng anime hahahahaha.

Naruto Shippuden: Ep 239